I'm imposing an hour of mandatory break. I'm done with the staffing model last week (yes, it's late, bakit kaya?!), max seat, adjustments (for whatever booboo I did or special request left) and I've answered and read my 300+ emails. Pahinga muna, at gusto ko pala mag Tagalog.
Iniintay ko lang ang hirit ng kapatid ko tungkol sa dagdag na tuition. Una, sinabi na sa akin ng mama ko yun, pero inisip ko, kung wala pang official na announcement e bakit ako magbibigay ng dobleng cash sa kapatid ko? E estudyante din ako dati, uutakan pa ako nun pag nalaman niyang may extra cash na para sa kanya lang. So ayun, 7K. Period. Walang angal, walang extrang hingi. So I guess hinde natuloy.
Sa totoo lang, matagal ko nang hinihintay ang pagtaas ng tuition sa UP. Hello naman, magrereklamo ang mga tao sa malabasurang facilities e wala ngang budget. Nasan kamo ang budget para sa mga isko at iska? Hanapin mo, malamang nasa pork barrel, sa pambayad utang (na walang katapusan ata) at sa mga piling bulsa ng kurakot dyan.
Nagreklamo kelan lang sa amin ang isa naming boss na Kano dito. Ang laki daw ng tax ng foreigners. 30% ayun sa kanya. Ang laki din naman ng tax namin ah. Shet. Pag tinitignan ko ang ITR (tama ba?) ko parang nakakapanlambot na may 100K taun-taon ang napupunta sa tax. Minsan mahigit pa.
Nakakatawa nga e, ngayon kinakain ko na ang mga sinasabi ko nun. Dati kase halimbawa naiinis ako sa mga taong hinde marunong mag-tip sa cab driver. Shet, ngayon na ako na ang gumagastos para sa sarili ko, alam ko na ang hirap na katumbas ng bawat piso. Aray, ang bigat na ng P20 na tip. Matuwa na sila sa P5-10. Pag ungas yung driver sakto ibinibigay ko. Leche, nagta-trabaho ako ng marangal kaya wag ninyo akong huthutan ng pera. Pare-pareho lang tayo! Ayun na nga, kinain ko ang sinabi ko nun. Iba naman pala talaga pag ang pera mong ginagamit e galing sa magulang mo o kung sino man. Parang joke lang, parang ang daling ipamigay, ang daling gastusin. Hinde naman sa nangangaral pero sa totoo lang, mahirap bitawan ang perang pinaghirapan mo.
May isang bagong call center sa tabi tabi namin kung saan karamihan ng mga tenured "people" namin ay lumilipat. Nagulat ang mga tao nung nalaman nilang may balak silang magtayo ng bagong site, e samantalang hinde pa nga fully operational ang current site nila, mas nakakagulat na ang dami nang hired na tao pero hinde pa nagsisimula ang operations. Bayad sila ng walang trabaho? Huwaw, mayaman! Onga, mayaman. Kase ang may-ari ay isang publishing house ng mga text book dito sa bansa. Magkano ang kinikita nila taun-taon tuwing pasukan? Magkano lang ang puhunan para sa textbooks? Mayaman talaga.
Speaking of textbooks, naalala ko nanaman na hinde na planet and Pluto. Hay, daming textbooks ang wala nang kwenta, hinde na updated. E kung tutuusin nga, walang kwenta textbooks nun talaga. Bakit nga ba kame gumagastos ng mahigit dalawang libo bawat taon para lang sa aking textbooks nun? Private school daw kase, required na bumili sa school, hinde pwede yun recycled na edition. Ang style ng schools at ng publishing house na kakontrata ng schools, taon-taon papalitan ang cover at kunwari papalitan ng edition para hinde ka pwedeng manghiram sa ate mo or kapitbahay mo. Madaya! Tapos ngayon na naglilinis kame ng bahay at pinacheck sa akin ng nanay ko kung anong ok iiwan na textbook, wala akong mapili. Sabi ko pamigay na lahat. Walang kwenta. Hello, textbook sa PE? Ni hinde ko nabuksan ang textbook na to simula...err...grade 4? Per ano, taon-taon bibili ako, bibili sister, bibili brother ko. Pag binuksan mo pare-parehong hinde gamit. Kahit anong pilit ko sa mga kapatid ko na i-recycle yung libro ko ayaw naman kase unfair daw na sa akin bago, sa kanila gamit ko na (kahit hinde halata). Gets ko naman, pero ngayon sobrang nasasayangan ako.
Gusto ko na magpalipat ng department. Wala lang. Bigla akong nawalan ng gana sa ginagawa ko. Parang joke nalang work ko e. Sabi ko nga sa isa kong batchmate here, minsan ang lungkot isipin na iiwan ko ang account ko, sympre, andun ako simula nagsimula lahat. Parang anak ko na to e, kahit hinde nila ma appreciate ginagawa ko ok lang.
Ayaw ko talaga manood ng news, minsan natataon na pag kumakain ako ng dinner e nanonood ng news ang lola ko. Nakaka-depress pa rin. Hinde ko kaya. Ang hirap maging apathetic kung apektado. Paano ka nga magiging apathetic kung apektado e noh.
Anyways, ako yun, apektado.
2 comments:
Kapag ang taxi driver ay di ako binabaan ng metro at gustong fixed rate, nagwa-walk-out ako at di ko sinasara ang pinto ng taxi nya hehe.
ako din! minsan iniiwan ko pang bukas yung pinto!
i torment cab drivers!
Post a Comment